Senate version ng Maharlika Investment Fund bill, in-adopt na ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinanggap o in-adopt na ng Kamara ang bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund bill (Senate Bill 2020).

Ginawa ang naturang anunsiyo sa ginawang bicameral conference committee meeting ngayong araw ng mga mambabatas, para mapagkasundo ang magkaibang bersyon ng Kamara at Senado ng MIF bill.

Kabilang sa Senate contingent sa bicam panel sina Senador Mark Villar (Chairperson), Sen. Pia Cayetano, Sen. Ronald Dela Rosa, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Francis Tolentino, Sen. Alan Peter Cayetano, at Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Habang miyembro naman ng House contingent sina Representative Irwin Tieng, Stella Luz Quimbo, Joey Sarte Salceda, Ralph Recto, Felimon Espares, at Wilbert Lee.

Kasama sa mga mahahalagang pagbabago sa MIF bill ng Senado ang pagbabawal sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance (PhilHealth) Corporation, Pag-IBIG, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Philippines Veterans Affairs Office (PVAO) na mag-invest sa Maharlika Investment Fund.

Ito ay para matiyak na hindi magagalaw ang pension funds ng mga government at private sector employees.

Sa magiging sesyon ngayong alas-4 ng hapon, inaasahang raratipikahan na ang bicam version ng MIF bill.

Matapos nito ay ipapadala na ang enrolled bill sa Malacañang para mapirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us