Senior citizen, patay sa sunog sa Brgy. Balumbato, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) na isang 77-taong gulang na residente ang nasawi mula sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa bahagi ng Brgy. Balumbato, Camachile, Quezon City.

Ayon sa BFP, na-recover ang labi ng babaeng senior sa isinagawang search and retrieval operations matapos na unang mapaulat na nawawala ang ginang.

Wala naman nang naitalang nasugatan pa kasunod ng insidente.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa sunog na umabot sa ikaapat na alarma bago tuluyang naapula.

Sinabi ng BFP na nahirapan itong kontrolin ang sunog dahil sa dikit-dikit ang mga bahay na karamihan ay gawa sa light materials.

Naideklarang fire-out ang sunog bandang alas-8:08 kaninang umaga.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: QCDRRMO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us