Umarangkada na ang pagpapatupad ng single ticketing system sa lungsod ng Valenzuela.
Ayon sa pamahalaang lungsod, simula pa kahapon ay pinaiiral na ng mga enforcer ang polisiya na nakaangkla sa City Ordinance no. 1083 kung saan nakahanay na sa bagong Metro Manila Traffic code ang pagbabago sa multang sinisingil sa mga pasaway na motorista.
Kabilang dito ang singil sa mga traffic violation na overloading at overspeeding na may multang tig-P1,000, at hindi paggamit ng
ng seatbelt na may multang P1,000 sa first offense hanggabg P5,000 at isang linggong pagsuspinde ng driver’s license sa third offense.
Sa ngayon ay ginagamit na rin sa Valenzuela ang unified ordinace violation receipt sa mga nahuhuling motorista.
Ang Valenzuela ay kasama sa pitong lungsod sa Metro Manila na bahagi ng pilot implementation ng Single ticketing system. | ulat ni Merry Ann Bastasa