Binigyang pagkilala ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Pilipinong manggagawa ngayong Labor Day.
Ayon sa House leader ang mga manggagawa ang nagsisilbing backbone o sandigan ng ating ekonomiya.
Ito aniya ang dahilan kung bakit nakatutok ang Kongreso sa kanilang pangangailangan, kapakanan at karapatan.
“Our workers are the backbone not only of their families but of the economy and the nation. The economy would not be running if not for their tireless toil. This is the reason why we in the House of Representatives always make it a point to attend to their concerns. We are committed to continue working on measures that protect their rights, promote their welfare and preserve their jobs and incomes,” ani Romualdez.
Patuloy din aniyang isusulong ng Mababang Kapulungan ang mga panukalang batas na lalo pang magpapabuti sa business climate ng Pilipinas at makakahimok ng mga mamumuhunan.
Sa paraan aniyang ito, hindi lang mapapanatili ang magandang takbo ng ating ekonomiya ngunit makapagbubukas pa ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Ito rin aniya ang isa sa pangunahing misyon ng mga biyahe ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tuwing bumibisita sa ibang mga bansa.
“The investment-diplomatic missions of President Ferdinand Marcos Jr. and his economic team, joined by a small group of House members, are all aimed at sustaining economic growth. If we can keep the economy on the high growth path, our workers’ jobs and incomes are not only preserved but we create more economic opportunities for them and their families, and our people in general,” paliwanag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes