Special Senate Committee para sa restoration ng Manila Central Post Office, bubuuin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinokonsidera ng Senado na bumuo ng isang special committee na magmo-nonitor sa restoration at rehabilitation ng nasunog na Manila Central Post Office.

Sa sesyon kahapon, ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang plano niyang maghain ng panukala para sa pagbubuo ng special senate committee sa susunod na linggo.

Naghain na rin ng resolusyon si Senate President Pro Tempore Loren Legarda, para hikayatin ang pambansang pamahalaan na tumulong sa pagsasaayos ng Manila Central Post Office.

Binigyang diin ng senador, na ang nasunog na gusali ay mahalagang mapreserba bilang ito ay isang important cultural property (ICP) ng Pilipinas.

Itinatakda ng National Cultural Heritage Law na ang pagpreserba, pangangalaga at restoration ng mga ICP ay dapat pondohan ng pamahalaan. Una na ring nanawagan sina Senador Robin Padilla at Senador Alan Peter Cayetano ng imbestigasyon sa nangyaring sunog. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us