Napapanahon na upang magpatupad ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas upang matiyak na matatag ang presyo nito.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Bureau of Plant Industry (BPI) Spokesperson Jose Diego Roxas, na bagamat SRP lamang ito magsisilbi naman itong basehn o bench mark, kung ano ang tama o makatarungang presyo ng sibuyas sa merkado.
Ito rin aniya ang magsisilbing basehan kung mayroon nang pangangailangan na mag-angkat o magpatupad ng intervention, upang maipatupad ang SRP.
Kung magkano man aniya ang itatakdang SRP, pinag-aaralan pa ito lalo’t gusto nilang matiyak na tama ang itatakdang SRP at hindi makakaapekto sa kita ng sinoman. | ulat ni Racquel Bayan