Mas madali na pagsusumite ng aplikasyon para sa Disability Benefit claim sa Social Security System (SSS).
Ito ay sa pamamagitan ng online filing na maaari nang gawin sa My.SSS Portal .
Ayon kay SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet, ang probisyon ng online facility ay bahagi ng patuloy na pagtalima ng SSS sa Ease of Doing Business Act of 2018.
“With the implementation of Online Filing of Disability Claim Applications under our Social Security Program, we are proud to say that we have finally put all SSS benefit and loan programs onto online platforms. Our members can access them at their convenience 24/7, without the need to visit our branches,” sabi ni Macasaet .
Para magamit ang online Disability Claim Application (DCA) facility, dapat na mayroong acct sa My.SSS portal ang miyembro at Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card na naka-enroll sa ATM o aprubadong disbursement account para sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM).
Maaari namang maaccess ito sa pamamagitan ng pag-log in sa kanilang My.SSS account at pag-click sa “Apply for Disability Claim” sa ilalim ng Benefits Tab.
Ang mga kwalipikadong miyembro naman ay kailangang mag-upload ng mga kailangang dokumento tulad ng medical certificate.
Ang SSS Disability Benefit ay isang cash benefit na ipinagkakaloob sa miyembro na permanenteng disabled. Ang miyembro ay dapat may 36 monthly contributions bago ang semester ng disability para ma-qualify para sa lifetime monthly pension, total disability cases; monthly pension para sa specified number ng buwan para sa partial disability cases. | ulat ni Merry Ann Bastasa