Taas-singil ng Meralco, tinutulan ng Gabriel party-list solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

“Moderate your greed.”

Ito ang panawagan ni Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa ipinatupad na taas-singil ng Meralco para sa buwan ng Abril at ang planong pagkolekta ng under-recoveries.

Aniya, hindi ikakalugi ng Meralco kung tapyasan nito nang konti ang buwanang singil sa mga konsumer, lalo at wala pa ring umento sa sahod ang mga manggagawa at mataas pa rin ang presyo ng pagkain at ibang bilihin,”

Katunayan, umakyat aniya ng 40.5% o P9.05 billion ang core net income ng Meralco sa unang quarter ng taon mula sa P6.44 billion noong nakaraang taon.

Kinuwestyon din ng lady solon ang planong pangongolekta ng Meralco ng P7.9 billion na under-recoveries mula 2020 hanggang 2021 sa mga customer nito.

“Yung tubo ng Meralco sa unang quarter pa lang ng 2023, sobra-sobra pa para tapatan itong sinasabing under-recoveries. Kaya dapat na harangin ang plano nitong kolektahin pa ang P7.9 billion sa mga customer nito,” ani Brosas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us