Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa kanilang mga mamamayanan na pabakunahan ang mga bata kontra Polio, Rubella, at Tigdas.
Ang CHIKITING LIGTAS bakunahan kontra Polio, Rubella at Tigdas ay available sa lahat ng Barangay Health Center sa Lungsod ng Taguig.
Nagsisimula ang bakunahan alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Para sa 0 hanggang 59 months old na bata, sila ay maaring bakunahan kontra Polio (OPV) habang nine hanggang 59 months ay ang bakuna kontra Tigdas at Rubella.
Samantala, nag-iikot din sa kada bahay ang mga health worker para bakunahan ang mga residente. | ulat ni Don King Zarate