Tangkang pagpapasabog ng IED sa Cotabato City, napigilan ng AFP at PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napigilan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang tangkang pagpapasabog ng apat na improvised explosive device (IED) sa Husky Terminal, Rosary Heights 10, Cotabato City.

Ayon kay 6th Infantry Division at Joint Task Force Central Commander Major General Alex Rillera, narekober ang apat na pampasabog na nakasilid sa kahon at dalawang cellphone, nitong Huwebes ng madaling araw.

Napansin aniya ito ng mga staff at security guard matapos madinig ang isang putok ng pinaghihinalaang baril.

Agad na rumesponde ang AFP at PNP, at kinordon ang lugar kung saan matagumpay na na-disrupt ng Explosive and Ordinance Disposal (EOD) units ang mga IED.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa insidente. | ulat ni Leo Sarne

📸: 6ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us