Tangkang panggugulo ng NPA sa Rodriguez, Rizal sa Araw ng Paggawa, napigilan ng Phil. Army

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napigilan ng mga tropa ng 80th Infantry Battalion ng Philippine Army ang tangkang panggugulo ng NPA sa Rodriguez, Rizal kahapon, habang ipinagdiriwang ang Araw ng Paggawa.

Ayon kay Brigadier General Cerilo Balaoro Jr., commander ng 202nd Infantry Brigade, rumesponde ang mga tropa sa sumbong ng mga residente ng Sitio Ilas, Brgy Puray, Rodriguez, Rizal, sa pangingikil ng pagkain at iba pang suplay na ginagawa ng NPA sa lugar.

Dito’y nakasagupa ng mga tropa ang tinatayang 20 miyembro ng NPA na pinamumunuan ng secretary ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) Narciso, Janice Javier alyas “Yayo” at Platoon Leader Jordan Mopon alyas Boyong.

Nagsitakas ang mga terorista makaraan ang maikling bakbakan, kung saan walang iniulat na nasaktan sa panig ng militar.

Narekober ng mga tropa sa encounter site ang isang M16 rifle, isang M203 grenade launcher, isang hand grenade, isang handheld radio, tatlong magazine ng M16, mga bala at personal na gamit ng mga NPA members. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us