Tatlong priority bills, nakatakdang aprubahan ng senado ngayong linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ngayong huling linggo ng sesyon bago ang sine die adjournment ng kongreso, inaasahang ipapasa ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ang ilang priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) at mga sertipikadong urgent bills ng Malakañang.

Kabilang na dito ang Maharlika Investment Fund bill, Trabaho Para sa Bayan bill, at ang Regional Specialty Centers bill.

Maliban dito, nakatakda na ring aprubahan ng senado ang panukalang palawigin ang deadline ng Estate Tax Amnesty sa June 2025.

Oras na maipasa sa senado at sa bicameral conference committee, ipapadala ang mga panukalang ito sa malakanyang para sa pirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang panukalang condonation ng mga utang ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Sakaling mapirmahang batas ni Pangulong Marcos Jr., pitong priority measures ang maitatalang nagawa ng First Regular Session ng 19th congress.

Kasama na dito ang mga naunang naisabatas na SIM Registration law, pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at ang amyenda sa AFP Fixed Term Law.

Ipinahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na sa pagtutulungan at magandang relasyon ng mga senador ay umaasa siyang mas magiging produktibo pa ang Second Regular Session ng Senado. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us