Sa patuloy na banta ng bagyong #BettyPH sa paglapit nito sa probinsya ng Batanes ay naglabas ng Executive Order No. 28 s. 2023 ang lokal na pamahalaan ng Ivana, Batanes kaugnay sa pansamatalang pagbabawal sa pagtitinda, pagbili at pag-inom ng alak sa naturang bayan, epektibo simula kaninang tanghali.
Tatagal ang temporary liquor ban hanggang ala-6:00 ng gabi sa Hunyo 2 na naglalayong masiguro ang kaligtasan ng bawat residente sa inaasahang pananalasa ng bayong #BettyPH.
Ang mahuhuling nasa impluwensiya ng alak sa nasabing panahon ng termporary liquor ban ay magmumulta ng P1,000 at ang mahuhuli namang magtitinda, bibili o komukonsumo ng alak ay magmumulta ng P2,000.
Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang Signal Number 2 sa kabuuan ng probinsya ng Batanes at patuloy na nakararanas ng bahagyang malakas na paghangin at malalaking pag-alon sa karagatan nito. | ulat ni Ethel Cabugao | RP1 Batanes