“The Philippine Gazette”, ipakakalat sa iba’t ibang terminal at istasyon ng tren

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad na ng Presidential Communications Office (PCO) – Bureau of Communications Services (BCS) ang pahayagan nitong The Philippine Gazette.

Isa itong libreng pahayagan na magsisilbing tulay ng pamahalaan, upang maiparating sa mga Pilipino ang impormasyon kaugnay sa pinakahuling proyekto at programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Base sa impormasyon mula sa PCO, maaaring makakuha ang publiko ng kopya ng diyaryo mula sa mga piling istasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2.

Partikular na ang Rector station, Cubao, at Santolan station.

Magiging available rin ito sa Philippine National Railways (PNR) Tutuban station, Manila North Harbor Terminal, at maging sa Victory Liner Terminal sa Pasay City. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us