Walang gaanong naging epekto ang bagyong Betty sa bansa.
Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV kasabay ng pagsabi ng “the worst is over”.
Sa ngayon aniya ay nakalampas na sa Batanes at pataas na ang bagyo.
Ayon kay Alejandro, masaya ang ahensya na “minimal” lang ang pinsala ng bagyo, matapos ang ginawang paghahanda ng pamahalaan para sa inisyal na inasahang mas malawak na epekto ng bagyo.
Gayunman, sinabi ni Alejandro na maganda rin na naipatupad ng maayos ang mga protocol at procedure, at nasubukan ang komunikasyon at back-up system sa paghahanda sa bagyong Betty.
Para narin aniyang naging “exercise” ang paghahanda sa bagyong Betty para sa paparating na “typhoon season” na opisyal na magsisimula ngayong Hunyo. | ulat ni Leo Sarne