Pinayuhan ni House Committee on Foreign Affairs Chair Rachel Arenas ang ehekutibo na magpatupad ng total deployment ban ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.
Ayon sa mambabatas, hindi dapat magpadala ang Pilipinas sa ginagawang panggigipit ng Kuwait sa bansa matapos magpatupad ng entry ban sa mga Pilipino.
Naniniwala ang lady solon, na matagal nang tumutulong sa mga inabusong OFW, na pini-pressure lamang ng Kuwait ang Pilipinas para alisin ang temporary ban sa pagpapadala ng household service workers sa naturang bansa.
Ipinatupad ng Pilipinas ang temporary ban, dahil na rin sa insidente ng pangmamaltrato at pagpatay sa ilan sa ating kababayan doon, pinakahuli ay ang kaso ni Jullibee Ranara.
Punto pa ni Arenas, na hangga’t matiyak ang maayos at makataong pagtrato sa ating mga OFW ay hindi dapat magpadala ng mga Pilipinong manggagawa sa naturang bansa. | ulat ni Kathleen Forbes