Tourism sector ng bansa, patuloy na palalakasin sa kabila ng naitatalang pagtaas sa COVID-19 cases

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi magpapatupad ng mas mahigpit na travel restriction ang Department of Tourism (DOT) kahit pa nakakakita ng pagtaas sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pahayag ito ni Tourism Secretary Christina Frasco, kasunod ng naitalang higit 12,000 COVID cases ng Department of Health (DOH) noong nakaraang linggo.

Sa press briefing sa Malacañang, binigyang diin ng kalihim ang una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na tapos na ang pandemiya.

Ayon kay Secretary Frasco, suportado ng kanilang hanay ang health measures na ipinatutupad ng DOH laban sa COVID-19, ngunit nananatiling pasulong ang direksyong tatahakin ng Pilipinas at ng ekonomiya nito.

Kasabay ng pagtitiyak na mananatiling bukas ang bansa para sa turismo, alinsunod na rin sa mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pagsisiguro ng kalihim, lahat naman ng minimum health at safety standards ay umiiral na lalo’t una na rin itong tiniyak ng mga DOT accredited establishment.

“Of course, all the minimum health and safety standards are in place and this is also made sure of as far as compliance with our DOT accredited establishments.” — Secretary Frasco | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us