Trabaho Para sa Bayan bill, aprubado na sa huling pagbasa ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa botong 24 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Trabaho Para sa Bayan” bill o ang Senate bill 2035.

Layon ng naturang panukala na magkaroon ng long-term master plan para sa employment generation at recovery ng bansa.

Una nang sinabi ng sponsor at principal author ng panukala na si Majority Leader Joel Villanueva, na layon ng panukala na matugunan ang job-skills mismatch na nararanasan lalo na ng fresh graduates ngayon.

Ayon kay Villanueva, makakatulong ito na pasiglahin ang national at local economic growth and development sa pamamagitan ng paghahanay ng investment at iba pang mga insentibo.

Titiyakin aniya nito ang pagkakaroon ng mabisa at napapanahong paghahatid ng industry-relevant skills training at enhancement programs, na nakalinya sa pangangailangan ng labor market.

Bibigyan rin nito ng suporta at insentibo ang mga umiiral at umuusbong na mga negosyo gayundin ang mga employer, industry stakeholder at iba pang organisasyon sa pribadong sektor na nag-aalok ng training, technology, knowledge at skills transfer. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us