Tulong sa first-time job seekers, pinalawig pa ng TESDA at iba pang mga ahensya ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas madali nang makakukuha ng dokumento mula sa Technical Education Skills Development Authority (TESDA) ang mga first time jobseeker.

Ito ay makaraang lagdaan ng TESDA, Department of Labor and Employment (DOLE), at ng 14 pang ahensya ng pamahalaan ang Joint Operational Guidelines ng First Time Jobseekers Assistance Act.

Dahil dito, palalawigin pa ng TESDA ang pamamahagi ng libreng sertipikasyon sa first time jobseekers na sumailalim sa competency assessment ng nabanggit na ahensya.

Ayon kay TESDA Director General Danilo Cruz, sa ilalim ng nasabing panuntunan o guidelines gagawin nang institutionalize ang mga pagpoproseso ng mga dokumento para sa pre-employment ng mga first time jobseeker.

Kumpiyansa naman si Cruz, na masosolusyunan na nito ang nararanasang job-mismatch gayundin ang mabawasan ang pasanin ng mga ngayon pa lamang sasabak sa trabaho.

Sa pamamagitan din nito ani Cruz, makatutulong ang nasabing panuntunan upang mapataas ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us