Binigyang din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatuloy lamang ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Tugon ito ng Pangulo nang tanungin kung nakikita ba niyang makakatulong ang relasyon ng Pilipinas sa US sa pagprotekta sa mga teritoryo nito, partikular sa West Philippine Sea.
Sa isang chance interview sa pagkikita nina Pangulong Marcos at Vice President Kamala Harris
sinabi ng Pangulo na concerned o nababahala siya sa mga provocative actions ng China sa rehiyon.
Aminado ang Pangulo na ang usaping ito ay isa sa major issues ng Pilipinas sa kasalukuyan.
At ang kooperasyon aniya ng bansa sa US ay isang bagay na patuloy na pinaiigting ng pamahalaan.
“As concerned as you could possibly be. It is one of the major issues that we have to face back home. Well, cooperation with the United States certainly is just something that we are building upon that has been going on for many, many, many decades. And we just keep going,” pahayag ng Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, sa naging bilateral meeting nina Pangulong Marcos at US President Joe Biden, nabanggit ang pagpapalawig pa ng kooperasyon, partikular ng Coast Guards ng dalawang bansa.
Para ito sa pagtugon sa mga hamong dala ng iligal, unreported, unregulated fishing, at iba pang unlawful maritime activities. | ulat ni Racquel Bayan