Ugnayang pangdepensa ng Pilipinas at Cambodia, pinagtibay sa 3rd Joint Defense Cooperation Committee Meeting

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng Pilipinas at Cambodia ang ugnayan nito sa ikatlong pagpupulong ng Joint Defense Cooperation Committee sa Phnom Penh, Cambodia.

Kinatawan ni Department of National Defense (DND) Acting Undersecretary Angelito De Leon ang Pilipinas na siyang co-chairperson ng nasabing komite

Kasama rin sa pagpupulong si Cambodia Minister Delegate Attached to the Prime Minister at Permanent Secretary of Ministry of National Defense, General Neang Phat.

Dito, kapwa lumagda ang dalawang opisyal ng Terms of Reference na nagdedetalye sa functions, procedures at iba pang administrative arrangements.

Tiniyak din ng Pilipinas at Cambodia ang pagpapatupad ng 2017 Memorandum of Understanding on Defense Cooperation, na nagtataguyod sa kahalagahan ng pagpapatatag ng military partnership ng dalawang bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Photos: Department of National Defense – Philippines

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us