Umabot sa 1,898 individuals ang napagkalooban ng tulong-pinansyal sa ilalim ng TUPAD program sa Bacolod City.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkatuwang ang Office of the Vice President at Department of Labor and Employment sa distribusyon ng suweldo na ginanap sa Bacolod City National High School Gymnasium.

Nasa ₱9.3-million ang ipinamahagi sa mga benepisiyaryo mula sa labimpitong barangay sa lungsod at bawat isa ay tumanggap ng ₱4,500.

Sa kanyang mensahe sa TUPAD workers, kinilala ni Vice President Sara Duterte ang sakripisyo ng mga manggagawang Pilipino.

Kaisa aniya ng mga manggagawa ang gobyerno sa paninindigan sa pag-asang matutupad ang pangarap ng progresibo, inklusibo at matatag na bansa.  | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us