Dalawang araw pa lamang sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngunit marami na agad ang bunga ng kaniyang pakikipagdiyalogo sa US business at government leaders.
Isa na rito ayon kay House Speaker Martin Romualdez ay ang pangako ni US President Joe Biden na magpadala ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas.
Naniniwala ang House leader na lalo itong makatutulong sa magandang momentum ng lumalagong ekonomiya ng Pilipinas.
Magpapalakas din aniya ito sa posisyon ng Pilipinas bilang investment at regional supply chain hub.
Maliban pa sa makalilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
“This high-level trade and investment mission from the US will add more momentum to sustain our country’s economic growth and help establish the Philippines as a hub for investments and as a regional supply chain hub. Such bilateral economic engagement with the US will not only generate more jobs and business opportunities for our people but, more importantly, it would focus on sectors critical to ensuring a resilient supply chain to avert the recurrence of serious disruptions that wreaked havoc in the economies of many countries in the past few years,” saad ng House Speaker
Isa pa sa mga sektor na makikinabang sa US trip ng pangulo ay ang agrikultura.
Nagkasundo kasi ang Pilipinas at US na bumuo ng isang ministerial team on agricultural cooperation kasunod ng pulong nina Pangulong Marcos Jr. at US Department of Agriculture Secretary Thomas Vilsack.
“US agriculture technology will be of immense value in helping us not only enhance the productivity of our agricultural sectors but also in combatting the ill effects of climate change, particularly now that we are facing the threat of the El Nino phenomenon,” dagdag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes