Inaasahang sa susunod na buwan maari nang makuha ang unpaid claims ng OFWs sa Kingdom of Saudi Arabia.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan ‘Toots’ Ople , ito’y sinabi ng hari ng Saudi Arabia sa isang pagpupulong nila na nakahanda ang pondong ibibigay sa OFWs na hindi nabayaran ang sahod simula pa noong 2016.
Dagdag pa ni Ople, ihinahanda na ng techincal working group ng Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia ang pagpoproseso ng unpaid claims ng OFWs.
Kaugnay nito, aabot sa apat na bilyong piso mula sa KSA ang ipapamahagi sa humigit kumulang 10,000 OFWs at sa susunod na buwan inaasahang mag-uumpisa na ang pamamahagi ng unpaid claims ng mga OFWs. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio