Welcome sa Department of Finance (DOF) ang pagkumpirma ng Fitch Ratings sa ‘BBB’ credit rating at upgraded outlook sa Pilipinas mula sa ‘negative’ to ‘stable’ rating.
Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na ang improved outlook ay indikasyon ng kumpiyansa sa bansa na makabalik sa strong medium-term growth matapos ang COVID-19 pandemic.
Aniya, ito ay dahil din sa pagliit ng debt-GDP ratio at ang ipinatutupad na sound economic policy framework.
Base sa pagtaya ng credit rating agency, makakamit ng bansa ang GDP growth na higit sa 6.0 percent sa medium term, mas mataas sa median ‘BBB’ growth rate na 3.0 percent.
Ayon pa kay Diokno, patuloy na aasa ang Pilipinas sa structural reforms na magpapalawak ng oportunidad at productivity sa pamamagitan ng mas mataas na pamumuhunan sa imprastruktura.
Ang investment-grade rating ay ginagamit upang malaman ang creditworthiness ng isang bansa, upang maging accessible ang funding mula sa mga development partner at international capital markets sa mababang halaga. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes