‘Usad pagong’ na paggamit ng pondo ng DICT, kailangan ayusin para maisakatuparan ang planong digitization ng Marcos Jr. administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na ayusin ang kanilang budget utilization.

Batay kasi sa isinagawang oversight hearing ng House Committee on Appropriations, natukoy na  mababa ang budget utilization ng naturang ahensya.

Bagay na nagpapabagal sa pagpapatupad ng kanilang mga programa para sa taumbayan, gaya na lamang ng mabilis na internet.

Dagdag pa ng panel chief, tila nagsisisi siya na pinagbigyan ang hiling na dagdag pondo ng ahensya para sa National Broadband Program na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapagana.

“Tulungan na lang namin kayo sa procurement ninyo. I think kailangan ninyo ng consultant… it’s been two decades na, yung procurement process niyo talagang pagong e. If you remember secretary [Ivan Uy], last year I asked you, yung sa NB [national broadband] how much you need para makarating sa Mindanao, sabi mo sakin, mayron ka nang ₱1.5-billion, you just need another ₱2-billion ba yun or ₱1-billion. We put that [in the 2023 budget].  I never called you, di kita finollow up hanggang ngayon. Pero, nagsisisi yata ako,” saad ni Co.

Paalala ng AKO Bicol Party-list solon, kailangan mag-step up ang ahensya at maging ehemplo sa mabilis na pag-aksyon upang maisakatuparan ang campaign promise ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na digitization sa pamahalaan.

“We really want to accomplish and support the plan of the administration na madigitize tayo, mapabilis… Di ba DICT, dapat kayo ang pinakamabilis sa lahat ng agency?  Kayo yung digitization.  Paano kami aasa sa inyo kung kayo pinakamabagal sa process, sa utilization… that’s the campaign promise of the president.  Hindi pahihirapan ang sistema ng gobyerno sa process… Kasi for the last two decades, sakit na ng DICT, DOTr and procurement process.. pinakamabagal sa lahat ng ahensya.  Let’s lead by example,” dagdag ng mambabatas.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us