Magiging “game changer” ang papel ni Vice President Sara Duterte bilang co-Vice Chair National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Assistant Director General Jonathan Malaya, NTF-ELCAC StratCom Cluster Head, mahalaga ang papel ng bise presidente sa pagbabago ng direksyon ng NTF ELCAC.
Ito’y matapos i-anunsyo ni NTF-ELCAC Secretariat Executive Director Undersecretary Ernesto C. Torres, Jr. sa Tagged: Reloaded Press Conference ang “shift from War to Peace” ng NTF-ELCAC ngayong nalalapit na ang katapusan ng armadong pakikibaka.
Paliwanag ng dalawang opisyal, ang bise presidente ang inaasahan na magbibigay ng “guidance” sa buong NTF-ELCAC, gamit ang kanyang karanasan sa pagkapanalo laban sa Communist Terrorist Group (CTG) bilang dating Alkalde ng Davao City.
Dagdag ni Usec Torres, bilang kalihim ng edukasyon, mapapalakas ni VP Duterte ang proteksyon ng mga mag-aaral laban sa recruitment activities ng NPA sa mga paaralan. | ulat ni Leo Sarne