VP Sara, nagbitiw na bilang miyembro ng Lakas-CMD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbitiw na si Vice President Sara Duterte bilang miyembro ng partidong Lakas-CMD epektibo ngayong araw.

Sa isang statement, binigyang-diin ni VP Sara na walang ibang mahalaga para sa kanya kundi ang mapagsilbihan ang mga Pilipino sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Iginiit nito na mananatili ang kanyang mga salita at commitment.

Paliwanag ng pangalawang pangulo, narito siya ngayon dahil sa tiwala ng mga Pilipino at hindi ito maaaring lasunin ng gulo sa pulitika o mapapahina ng “political powerplay”.

Dahil dito ay nanawagan si VP Sara sa lahat ng leader na ituon ang pansin sa pagtatrabaho at mag-iwan ng legasiya para sa kapakinabangan ng bansa.

Bago ang irrevocable resignation ngayong araw, si VP Sara ay nagsisilbing chairman ng Lakas-CMD habang si House Speaker Martin Romualdez ang presidente ng partido. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us