VP Sara, pinapurihan ang bayan ng Liloan sa pagpapalakas ng tourism campaign nito at suporta sa business owners

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang bayan ng Liloan sa Cebu para sa pagpapalakas ng tourism campaign nito upang lumakas ang kanilang ekonomiya.

Sa pagdalo ng ikalawang pangulo sa 2023 Rosquillos Festival nitong weekend, sinabi niya na maganda ang ginagawang hakbang ng bayan ng Liloan na suportahan ang kanilang tourism campaign upang makapanghikayat ng mas maraming turista at mas mapalago pa ang ekonomiya ng kanilang bayan.

Kaugnay nito, nagpaabot din ng medical and burial assistance ang OVP sa naturang bayan upang mabigyan ng karagdagang atensyong medikal at libreng panlibing ang mga residente ng Liloan.

Sa huli, muling nagpaalala si VP Sara sa mga kabataan at mga magulang sa Liloan na gabayan ang kanilang mga anak upang makaiwas sa iligal na droga at ang pakikilahok sa mga komunistang groupo. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us