Wage hike para sa mga manggagawa, isinusulong ni Senate President Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng pagdiriwang ng labor day, nangako si Senate President Juan Miguel Zubiri na patuloy niyang isusulong ang mga panukalang proprotekta at magpapabuti sa kalagayan ng mga manggagawang pilipino.

Partikular na tinukoy ni Zubiri ang pagsusulong ng tamang pasahod, benepisyo at kondisyon sa pagtratrabaho ng mga manggagawa.

Batid aniya ng senador na napakahalaga ng usapin ng wage hike lalo na’t tumataas ang presyo ng mga bilihin at bayarin.

Kailangan aniyang mahanapan ng solusyon ang lumalawak na pagitan sa gitna ng sahod at gastusin.

Kaugnay nito, nitong Marso ay inihain ng Senate President ang panukalang across-the-board wage increase (Senate Bill 2002).

Layon nitong itaas ng 150 pesos ang minimum wage ng pribadong sektor sa buong bansa.

Giniit ni Zubiri na ang mga manggagawa ang pundasyon ng buong business sector kaya naman nararapat lang na makuha nila ang tamang sweldo na pinagpaguran nila at iangat ang kanilang pamumuhay. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us