Warehouse sa Makati City na naglalaman ng mga umano’y smuggled na forklift, sinalakay ng Bureau of Customs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bitbit ang Letter of Authority, pinasok ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Intelligence and Investigation Service ang isang warehouse na naglalaman ng mga imported na forklift sa Gil Puyat Ave. sa Makati City.

Kasama nilang nag-inspeksyon sa warehouse ang Philippine Coast Guard.

Ayon kay CIIS Chief Alvin Enciso, nakatanggap sila ng ulat na mga smuggled umano ang mga ibinebentang forklift na galing Japan.

Aniya, matagal nang nag-aangkat ang kumpanya ng mga forklift na aabot sa ₱1.5-million ang halaga ng bawat unit.

Dagdag ni Enciso, bigong magpakita ng mga kaukulang dokumento ang may-ari ng warehouse na magpapatunay na hindi legal ang pag-import ng mga naturang heavy equipment.

Binigyan ng ilang araw na palugit ang may-ari ng warehouse para magsumite ng mga dokumento.

Posibleng magsampa ng kasong Customs Modernization and Tariff Act laban sa kumpanya kapag mapatunayan na ipinuslit sa Pilipinas ang mga forklift.

Giit ng BOC na daan-daang milyong piso ang nawawalang buwis ng gobyerno dahil sa technical smuggling. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

🎥: BOC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us