Itinutulak ni Makati City Rep. Luis Campos Jr na taasan ang ibinibigay na World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) para sa mga public school teacher.
Salig sa House Bill 7840 ng mambabatas mula sa kasalukuyang ₱1,000 ay gagawin itong ₱3,000.
“Our bill merely seeks to augment the value of the WTDIB and make permanent via legislation the grant of the incentive benefit,” saad ng House appropriations committee vice chairperson.
Ayon sa mambabatas, salig sa ating Saligang Batas, mandato ng estado na tiyaking ang propesyon ng pagtuturo ay makahimok ng mga tagapagturo sa pamamagitan ng sapat na renumeration o iba pang insentibo.
Ang naturang World Teachers’ Day Incentive Benefit ay ibinibigay tuwing October 5 na siyang selebrasyon ng World Teachers’ Day. | ulat ni Kathleen Forbes