‘Zero incidents’ sangkot ang CPP-NPA sa Davao Region, iniulat ng 10th Infantry Division

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng 10th Infantry “Agila” Division ng Philippine Army na walang inulat na insidenteng kinasangkutan ng CPP-NPA sa Davao Region mula Oktubre 2022 hanggang sa kasalukuyan.

Ito ang inihayag ni 10ID Commander Major General Jose Eriel Niembra sa nakalipas na Regional Peace and Order Council Region 11 (RPOC 11) sa Davao City.

Dito’y tiniyak ni Maj. Gen. Niembra na sa kabila ng “zero incidents” kaugnay ng CPP-NPA, patuloy aniyang palalakasin ng 10ID ang kanilang Internal Security Operations para mapanatili ang estado ng Davao Region bilang “insurgency free”.

Kaugnay nito, iprinisinta ni 10ID Assistant Chief of Staff for Operations, G3, Colonel Victorino Seño ang kanilang plano para mapalakas ang Integrated Territorial Defense System (ITDS) para mapigilan ang muling pagkabuhay ng mga teroristang komunista sa rehiyon.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni RPOC 11 Chairperson at Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte, at nilahukan ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor. | ulat ni Leo Sarne

📸: 10ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us