Nasabat ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 1.5 milyong pisong halaga ng produktong petrolyo sa operasyon sa Enrile, Cagayan.
Ayon kay CIDG Director Police Brig. Gen. Romeo Caramat, ito’y matapos na magpatupad ng search warrant ang CIDG laban sa owners, managers, and operators ng C-Gas Refilling Plant sa Brgy. Roma Norte sa naturang bayan.
Iniulat ni Caramat na 6 na indibidwal ang naaresto sa operasyon, na umano’y sangkot sa ilegal na adulteration, pagbebenta, at distribusyon ng mga produktong petrolyo.
Kinilala ang mga ito na sina: Jay Divina Nicolas, Gerry Dagan Ortiz, Christopher Macarubbo Elacion, pawang mga LPG re-fillers; Annabelle Esteban Domingo, Supervisor; Erwin Guerero Bañares, driver; at Jerwin Lupani Mahinay, helper.
Ang mga inaresto ay sasampahan ng paglabag sa Batas Pambansa 33 o Prohibited Acts inimical to Public Interest and National Security involving Petroleum Products, na inamyendahan ng PD 1865 at RA 5700. | ulat ni Leo Sarne
: CIDG