₱8 kada kilong kalabasa, mabibili sa ADC Kadiwa store

Facebook
Twitter
LinkedIn

Murang-murang kalabasa ang alok ng ADC Kadiwa Store para sa mga mamimili nito.

Dumating na kasi rito ang suplay ng kalabasa mula sa Nueva Ecija na dinala ng Department of Agriculture (DA) sa Metro Manila para matulungan ang mga magsasaka na namomroblema sa sobra-sobrang suplay nito.

Kung sa palengke, mabibili ng ₱40-₱50 ang kada piraso ng kalabasa, dito sa ADC Kadiwa Store, ay nagkakahalaga lang ng ₱8 ang kada kilo nito o nasa ₱12-₱20 ang kada piraso depende sa timbang.

Laking tuwa tuloy ng mga mamimili na gaya ni Tatay Eddie na bumili ng tatlong pirasong kalabasa.

Pang-isang linggo na raw nila itong lulutuin na gagawing ginisa, at panghalo sa ginataang gulay at pinakbet.

Ikinatuwa rin ni Nanay Melinda ang nabili nitong  kalabasa na binayaran lang niya ng ₱16 ang isang piraso. Pasok na pasok raw ito para sa kanilang nagtitipid ng pang-budget sa araw-araw.

Una na ring sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na nasa limang tonelada ng kalabasa ang iniutos nitong dalhin sa Metro Manila para maibenta sa Kadiwa stores sa murang halaga.

Bukod sa Kadiwa Stores, ibabagsak rin ito sa ilang pamilihan sa Metro Manila.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us