Hinatulan ng dalawa hanggang pitong taong pagkakakulong ng Sandiganbayan si dating Puerto Princesa City Mayor at ngayon ay Palawan 3rd District Representative Edward Hagedorn, para sa kasong Malversation of Public Property.
Kaugnay ang kaso sa umano ay 14 na Armalite rifle na hindi nito ibinalik sa pamahalaan sa kabila nang nagtapos na ang kaniyang termino noong 2013.
Sa inilabas na opisyal na pahayag ng kampo ni Hagedorn, sinabi niya na ang kaso laban sa kaniya ay hindi kaugnay sa anumang pampublikong pondo, ngunit PNP-issued firearms aniya na inaakusahan siya ng hindi pagsasauli.
Giit pa ng opsiyal sa pahayag, na gagawin niya ang lahat ng makakaya upang magawan ito ng paraan at remedyo na aniya ay batay lamang sa “moral confines” ng batas.
Sinabi rin ni Hagedorn, na inosente siya sa akusasyon at naniniwalang lalabas ang katotohanan.
Noong 2018 ay tinanggihan na rin ng Sandiganbayan ang mosyon ni Hagedorn na ma-dismiss ang naturang kaso laban sa kaniya.
Sa naturang mosyon ay sinabi ni Hagedorn, na dapat na ma-dismiss ang kaso dahil hindi lahat ng mga elemento ng kaso laban sa kaniya ay present sa akusasyon.
Ayon pa kay Hagedorn sa kaniyang naunang mosyon, na bago pa maisampa ang kaso ay naisauli na niya ang naturang mga sandata. | ulat ni Gillian Faye IbaΓ±ez|RP1 Palawan
π·: Ed Hagedorn Official