Nadagdagan pa ang mga ahensya ng pamahalaan na nakiisa na rin sa itinutulak na E-governance ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kasunod ito ng paglagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ng DICT at ng 10 government agencies para sa pag-streamline ng kanilang mga proseso sa pamamagitan ng digital technology.
Kabilang rito ang mga ahensya ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Health (DOH), Development Academy of the Philippines (DAP), Department of Agriculture (DA), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Department of Labor and Employment (DOLE), Bureau of Customs (BOC), Manila International Airport Authority (MIAA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa ilalim nito ay tutulong ang DICT sa pagbuo ng sistema at application sa bawat ahensya ng pamahalan para mapabilis ang kanilang serbisyo sa bansa.
Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilarga na ang digitalisasyon sa gobyerno. | ulat ni Merry Ann Bastasa