Kumpiyansa ang Globe Telecommunications, Inc. na makakapagrehistro ng SIM card ang mga aktibong subscriber nito bago matapos ang 90 araw na dagdag palugit.
Ayon sa Globe, dahil ito sa patuloy nilang kampanya upang mas mapabilis ang pagpaparehistro, at gawing abot-kamay sa karamihan ng populasyon.
Umabot na sa 85 porsiyento ng mga aktibong tagasubaybay ng Globe ang nakapagrehistro ng mga SIM.
Kasalukuyan, bukas ang 144 Globe Stores at 27 Easy Hub ng Globe upang tulungan ang mga subscriber ng Globe na hirap magrehistro ng kanilang mga SIM card.
Bukas ito sa mga senior citizen, persons with disability, mga buntis, at mga may cellphone na hindi makakonekta sa internet.
Kailangan lamang ihanda ang mga sumusunod na impormasyon: buong pangalan, kaarawan, kasarian, address, at valid ID sakaling pupunta.
Maaari ring magrehistro online sa website ng Globe o kaya naman sa Globe One Application, na maaaring ma-download sa Google Play at App Store. Kailangan dito na mag-upload ng selfie picture at i-check ang declaration form na ang mga binigay na impormasyon ay totoo. | ulat ni Lorenz Tanjoco