Pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP ang selebrasyon ng 125th anniversary ng Philippine Revolutionary Government sa Dambanang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite kagabi.
Binigyang pagkilala sa selebrasyon ang mga ahensya ng pamahalaan na itinatag noong panahon ng rebolusyonaryong pamahalaan ni Pangulong Emilio Aguinaldo matapos makalaya sa pananakop ng Espanya.
Kabilang na rito ang ๐๐ฆ๐ค๐ณ๐ฆ๐ต๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ฅ๐ฆ ๐๐ฆ๐ญ๐ข๐ค๐ช๐ฐ๐ฏ๐ฆ๐ด ๐๐น๐ต๐ฆ๐ณ๐ช๐ฐ๐ณ๐ฆ๐ด (DFA), ๐๐ฆ๐ค๐ณ๐ฆ๐ต๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ฅ๐ฆ ๐๐ข๐ค๐ช๐ฆ๐ฏ๐ฅ๐ข ๐บ ๐๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ข (DOF & DOLE), ๐๐ฆ๐ค๐ณ๐ฆ๐ต๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ฅ๐ฆ ๐๐ถ๐ด๐ต๐ช๐ค๐ช๐ข, ๐๐ฅ๐ถ๐ค๐ข๐ค๐ช๐ฐ๐ฏ ๐บ ๐๐ช๐จ๐ช๐ฆ๐ฏ๐ฆ (DOJ, DepEd, & DOH), ๐๐ฆ๐ค๐ณ๐ฆ๐ต๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ฅ๐ฆ ๐๐ถ๐ฆ๐ณ๐ณ๐ข ๐บ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฐ (DA, DPWH, DND, DENR, DTI, & AFP), ๐๐ฆ๐ค๐ณ๐ฆ๐ต๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ฅ๐ฆ ๐๐ข๐ณ๐ช๐ฏ๐ข ๐บ ๐๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ณ๐ค๐ช๐ฐ (DTI & DOTr), at ang ๐๐ฆ๐ค๐ณ๐ฆ๐ต๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ฅ๐ฆ ๐๐ฐ๐ญ๐ช๐ค๐ช๐ข ๐บ ๐๐ณ๐ฅ๐ฆ๐ฏ ๐๐ฏ๐ต๐ฆ๐ณ๐ช๐ฐ๐ณ (DILG & DICT).
Dumalo sa selebrasyon ang mga kinatawan mula sa mga kagawaran na nagmana ng kasaysayan.
Isang ceremonial toast ang isinagawa na sinundan ng pagbibigay ng mga sertipiko para sa mga dumalo.
Ayon kay NHCP Chairman Emmanuel Franco Calairo, ang pagkakatatag ng Philippine Revolutionary Government ang unang hakbang bago maging republika ang Pilipinas na siyang naging kauna-unahan sa buong Asya.
Aniya, hindi nalalayo sa demokrasya ngayon ang itinatag na rebolusyonaryong pamahalaan noong June 23, 1898.
Nagpasalamat siya sa mga ahensya ng pamahalaan dahil sa pagbibigay dangal at pagkilala sa mga sakripisyo ng mga nagtatag ng bansa.
Dagdag ni Calairo, hindi natapos ang proklamasyon ng kalayaan sa Kawit ang pagkabansa ng Pilipinas ngunit naging bahagi ng proseso ang pagkakatag ng mga ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.