14 na paaralan sa Albay, apektado ng pagalburoto ng Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa ang Department of Education (DepEd) Bicol sa ipinatawag na emergnecy meeting ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) na pinangunahan ni Office of Civil Defense (OCD) -Bicol Regional Director Claudio Yucot para talakayin ang mga susunod na hakbang na gagawin kaugnay ng patuloy na pag-alburoto ng Mayon noong June 9.    

Sa report na inilabas ng DepEd Bicol may 14 na paaralan na matatagpuan sa loob ng 6km Permanent Danger Zone ang naapektuhan ng pagtaas ng alert level status ng bulkan.

Ang mga nasabing eskwelahan ay may kabuuang bilang na 4,589 mag aaral, 186 mga guro, at 24 non-teaching personnel.

Ani Project Development Officer IV Maria Cristina Baroso, pinuno ng Regional Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Team ng ahensya prayoridad nila ang kaligtasan at educational continuity sa mga nasabing paaralan.

Ang tanggapan ay aktibo sa pag-monitor sa mga kaganapan at handa magbigay ng suporta at tulong sa mga naapektuhang paaralan sa lalawigan. | ulat ni Twinkle Neptuno | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us