2 recreational parks, itatayo sa Valenzuela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magtatayo ng dalawa pang recreational parks ang Valenzuela City LGU sa layong madagdagan pa ang mga open spaces at pasyalan sa lungsod.

Pinangunahan mismo ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang groundbreaking ceremony para sa dalawang #ProyektongKakaiba na PAW Park at SKATE Park sa Brgy Karuhatan.

May lawak na higit 500sqm ang PAW Park na magsisilbing playground at resting area para sa mga pet at pet owners. Mayroon itong Paw Activity Area, Paw Picnic Area, Sitting Area, Concrete Walkway, at Bike Parking Area.

Samantala, ang Skate Park naman ang itatayo sa ilalim ng NLEX Harbor Link na kumpleto sa iba’t ibang park gaya ng Quarter Pipe Ramps, Stair Sets, Skate Bowl, Fun Boxes, Handrails, Flat Rails, Grind Boxes, Hubbas, Sitting Benches, at Bike Racks na swak sa mga skateboard enthusiast.

Ayon sa alkalde, ang bagong infra projects na ito ay nakalaan para may kaaliwan ang mga pamilya at mga residente sa lungsod.

Ito aniya ay magiging sentro rin ng pagsasama sama ng komunidad.

“Ito po ay center for congregation; the center of a community. May matanda, may bata, may pamilya man o wala, studyanteng nagpa-practice, pet-lovers, church groups kung saan nagba-Bible study sila; all different sorts. Nakita po namin na kapag bumuo ka ng isang park, ito po ay nagiging sentro ng sama-sama,” Mayor Wes.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us