Ipapadala ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang 20-man team sa Legazpi, Albay para tumulong sa mga naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, target na puntahan ng grupo ang anim na lugar sa probinsya.
Para makapagbigay ng inumin na tubig, dadalhin ng team na nagmula sa Public Safety Division ang 60 units ng water purifier system na may kapasidad na mag-filter ng 180 gallons ng tubig kada oras.
May mga sasakyan din ang grupo gaya ng ambulansya at military truck na gagamitin sa pag-evacuate ng mga residente at makapaghatid ng first aid sa mga mangangailangan. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.
📸: MMDA