200 Pinoy pilgrims na nasa Saudia Arabia, nasa ligtas at maayos nang kalagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ligtas at nasa maayos nang kalagayan ang may 200 Pilipino Hajj Pilgrims matapos ma-stranded sa Muzdalifah.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, matagumpay na naihatid ang mga nai-stranded na Pilipino patungong Mina.

Nilinaw din ng Embahada na walang Pilipino na dumanas ng matinding kundisyong medikal.

Gayunman, may ilan na kinailangan ding bigyan ng atensyong medikal matapos mahilo dahil sa matinding init ng panahon.

Tulong-tulong ang mga opisyal at tauhan ng Embahada sa Riyadh, Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah, Office of Hajj Attaché sa Jeddah at National Commission on Muslim Filipinos o NCMF para matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan doon.

Sa katunayan, personal pang binisita ni Charge d’ Affairs Rommel Romato ang Pinoy Pilgrims sa Mina upang kumustahin ang kanilang kalagayan.

Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng Pilipinas sa Saudi Government sa agarang tulong na ipinaabot nito, masiguro lamang ang kaligtasan ng mga kababayang dumalo para sa Hajj pilgrimage. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: PH Embassy-Riyadh

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us