Sa unang command visit ni Police Regional Office 6 Director P/Brigadier General Sidney Villaflor sa Iloilo City Police Office, isinailalim sa surprise drug test ang 23 police commissioned officers ng ICPO.
Pinangunahan mismo ni General Villaflor ang pagpapa-drug test kasama si ICPO Director P/Col. Joeresty Coronica, miembro ng Command Group, Station Commanders at Staff Officers ng ICPO.
Ayon kay Villaflor, sa pagpapatupad ng batas kailangang magsilbing mabuting ehemplo ang mga matataas na opisyal ng kapulisan.
Bukod pa rito, mahalaga rin ayon sa opisyal na hindi sangkot sa anumang iligal na gawain ang pulis at dapat nakatutok sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa komunidad. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo