3 CNT ang napatay at 15 high-powered firearms ang narekober matapos ang pinaigting na opensiba ng militar sa Agusan del Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagtagumpay ang pinagsamang elemento ng 29th Infantry (Matatag) Battalion at 30th Infantry (Fight ‘on) Battalion nang makasagupa nila ang Communist Terrorist Groups (CTGs) kahapon sa hinterlands ng Mt. Apo-Apo, Sitio Dugayaman, Brgy. Anticala, sa lungsod ng Butuan.

Ayun kay 1Lt Jade Bryce Buñe, Civil – Military Operation Officer ng 29IB na ang mga miyembro ng CTG ay pinaniniwalaang binubuo ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP21C), Weakened Guerilla Front (WGF21), at Pltn Dao, Sub-Regional Sentro de Gravity Westland kapwa ng Sub-Regional Committee Westland, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Dagdag pa nito na dahil sa patuloy na mga ulat mula sa mga kinauukulang indibidwal na naninirahan sa Barangay Anticala tungkol sa pagkakaroon ng mga CTG na gumagala sa hinterland na lugar ng Barangay ay nagtalaga si LTC Cresencio C. Gargar, ang Commanding Officer ng 29IB, ng mga tropa bilang tugon sa pag-aalala ng mga nasasakupan.

Nakasagupa ng tropa ang humigit-kumulang 30 Communist NPA Terrorist o CNT sa kanilang hideout at humiling ang tropa ng Close Air Support upang maiwasan ang posibleng pagkawala ng buhay mula sa mga anti-personnel mine ng kaaway.

Ang engkwentro ay nagresulta sa pagkamatay ng tatlong hindi pa nakikilalang CNT at narekober ang 15 high powered firearms at mga terrorist documents na may high Intel value. | ulat ni Dyannara Sumapad | RP1 Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us