3 katao, huli sa anti-illegal gambling operation ng PNP Parang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado kamakailan ang tatlong gambling personality sa operasyon kontra illegal gambling ng pulisya sa barangay Kannaway sa bayan ng Parang, Sulu.

Ito ani PLt. Jerome Serrano, Officer-In-Charge ng Parang Municipal Police Station, bilang tugon sa sumbong ng isang concerned citizen kaugnay sa nagaganap na iligal na aktibidad sa naturang lugar.

Nadatnan nila aniyang nagsusugal ang mga ito sa ilalim ng kanilang bahay sa naturang lugar na nagresulta sa pagkahuli sa kanila.

Pansamantalang ikinulong ani pa Serrano ang naturang mga gambling personality sa detention cell ng Parang MPS na nagtagal sa loob ng limang araw.

At nakapagpiyansa kinalaunan ng nagkakahalagang P10,000 silang tatlong para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito. | ulat Fatma Jinno | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us