3 Pilipinong biktima ng human trafficking, napabalik na ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tatlo pang biktima ng human trafficking ng isang sindikato sa Myanmar ang napauwi ng Bureau of Immigration sa bansa matapos gawin silang mga online scammers.

Ang tatlong biktima ay tinulungan ng NAIA Task Force Against Trafficking, National Bureau of Investigation, Overseas Workers Welfare Administration, at ng Department of Migrant Workers.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang mga biktima na may edad dalawampu hanggang tatlumpung taong gulang ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong June 15 lulan ng isang flight ng Singapore Airlines.

Ang isa sa mga biktima ay online influence na mayroong 10,000 followers.

Nabatid na ang tatlo ay umalis patungong Singapore noong Abril at nagpanggap na turista.

Inamin ng tatlo na sila ay na-recruit online upang magtrabaho sa call center sa Thailand ngunit dinala sa Yangon, Myanmar para magtrabaho sa isang pseudo-call center na sangkot sa scamming.

Nagbabala si Tansingco sa mga nagnanais na magtrabaho sa ibayong dagat na huwag silang papayag na aalis ng bansa bilang mga turista.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us