Nagpapatuloy ang aftershocks sa ilang bahagi ng Batangas kasunod ng tumamang Magnitude 6.3 na lindol sa lugar kahapon na naramdaman hanggang Metro Manila.
Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), as of 6am ay mayroon nang 30 aftershocks ang naitala.
Mula rito, 13 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon. Gayunman, wala na sa mga aftershocks ang naramdaman ng publiko.
Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 1.6 hanggang 3.1
Una na ring sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan pa ang mga aftershock kasunod ng malakas na pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa