Tataniman ng aabot sa 20,000 punlang kape ang 30 ektaryang lupa sa tinaguriang Coffee Belt Road na matatagpuan sa daan ng Dolores, Candelaria at nagtatapos ng Sariaya, Quezon.
Ayon sa pabatid ng Department of Agriculture (DA) CALABARZON, ito ay sa ilalim ng kanilang Coffee Belt Road Project sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Kinatawan ng Ikalawang Distrito at mga lokal na pamahalaan ng bayan ng Dolores, Sariaya, Candelaria, Tiaong, at San Antonio sa probinsya ng Quezon.
Anila, nilalayon ng nasabing proyekto na palakasin ang produksyon ng kape at kabuhayan ng mga mamamayan sa mga nasabing lugar.
Ang konstruksyon ng Quezon Coffee Belt Road ay sinimulan noong Abril ng nakaraang taon. | ulat ni Tom Alvarez | RP1 Lucena