4 na flights sa Bicol International Airport, kanselado ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay abiso ang pamunuan ng Cebu Pacific na kanselado ang apat nilang flights mula Bicol patungong Maynila gayundin sa Cebu at pabalik.

Ayon sa Civil Aviation Authority (CAAP), kanselado ang Cebu Pacific flight 5J 321 at 5J 322 na biyaheng Manila patungong Daraga at pabalik, dulot ng Aircraft Additional Requirements

Kanselado rin ang CebGo flight DG 6209 at DG 6207 na biyaheng Daraga patungong Cebu at pabalik bunsod naman ng nararanasang problemang teknikal.

Gayunman, nilinaw ng CAAP na walang kinalaman sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon ang mga kanselasyon na ito ng biyahe ng Cebu Pacific. Sa kasalukuyan, nananatiling operational ang Bicol International Airport sa Daraga kahit nakataas ang Alert Level 3 sa Mayon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us